Linggo, Hunyo 28, 2015

Petrarchan Sonnet (Blog Entry #2)


Isa sa mga pinakapaborito kong tula ay ang "Death, Be Not Proud." Tinatawag din ito bilang "Holy Sonnet 10." Ito'y isinulat ni John Donne at ang anyo ng tulang ito ay isang sonnet. Ayon sa klase, mayroong 14 na linya ang isang sonnet at sinusundan niya ang isang Petrarchan sonnet. Ito ang tula: 

Death, be not proud, though some have called thee
Mighty and dreadful, for thou art not so;
For those whom thou think'st thou dost overthrow
Die not, poor Death, nor yet canst thou kill me.
From rest and sleep, which but thy pictures be,
Much pleasure; then from thee much more must flow,
And soonest our best men with thee do go,
Rest of their bones, and soul's delivery.


Thou art slave to fate, chance, kings, and desperate men,
And dost with poison, war, and sickness dwell,
And poppy or charms can make us sleep as well
And better than thy stroke; why swell'st thou then?
One short sleep past, we wake eternally
And death shall be no more; Death, thou shalt die.


Sa kabuuan ng tula, sinasabi ng may-akda na ang kamatayan ay hindi dapat kinatatakutan. Sa unang apat na linya pa lamang ay agad-agad hinahamon na niya ang kamatayan at sinasabihan na niya na ang kamatayan ay hindi malakas. Sa susunod na apat na linya ay sinasabi ng may-akda na ang kamatayan ay hindi naman masama. Pahinga ng mga buto natin ay isang bunga ng pagmamatay. Higit pa rito, dahil sa kamatayan ang pagpunta ng ating kaluluwa sa kalangitan ay agad-agad nangyayari. 

Sa susunod na saknong, ipinapakita na ng may-akda na ang kamatayan ay minoridad lamang sa mga iba't ibang bagay katulad ng tadhana, pagkakataon, mga tao, at mga sakit. Ang kamatayan ay epekto lamang ng bagay na ito kaya't hindi ito gaanong malakas. Sinusundan lamang ng kamatayan ang ninanais ng mga bagay na ito. Ayon sa may-akda, ang kamatayan ay hindi nagkokontrol ng bagay, ang bagay ay nagkokontrol sa kamatayan. Ang paborito kong parte sa tula ay ang huling dalawang linya. Sinasabi ng may-akda na kapag isang tao ay namatay, isang sandali lamang at tayo'y mabubuhay muli, ngunit 'di tulad ng dati. Tayo'y mabubuhay na sa afterlife. At dahil tayo'y buhay ulit, ang kamatayan ay wala na. Tila ang kamatayan ay tinalo na dahil nabuhay muli. Ang huling parte ng tula ay isang ironiya. Ayon sa may-akda, ang kamatayan pa ang huling mamamatay. Siya pa ang mawawala. 

Paborito ko itong tula na ito dahil sa kahulugan niya. Sinasabi nito na hindi dapat tayo matakot sa kamatayan. Tayo ay mas malakas dito. Oo, mamamatay tayo ngunit ibigsabihin lang nito ay ang ating buhay sa mundo ay tapos na, at susunod na ang isa pang buhay. Kaya 'di dapat tayo matakot sa kamatayan. Siya dapat ang matakot sa atin. 

Ang buhay natin ay dapat isang paglalakbay. Dapat mabuhay tayo nang walang limitasyon at hadlang. Isipin natin na tayo'y buhay ng isang beses lamang at hindi dapat ito sinasayang. Ang buhay natin ay sa atin at sa atin lamang. Hindi ito kontrolado ng ibang tao, lalong-lalo na ang kamatayan. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento